Lesson 2: Profession of our Faith

Ang mga bata ay:
  • Malalaman ang kahalagahan ng pananampalataya
  • Makakapagtala ng nagagawa ng pananampalataya sa atin
  • Makakapagdasal ng Sumasampalataya araw-araw
Panalangin bago mag-aral:

Panalangin bago Mag-aral
Ni Sto. Tomas Aquinas

Panginoon, tunay na pinagmumulan ng liwanag at karunungan, pagkalooban mo ako ng matalas na pang-unawa, ng kakayahang magsaulo ng mga aralin at unawain ang mga ito ng wasto at tama.

Pagkalooban mo ako ng biyayang maging maayos sa aking mga paliwanag at ng kakayahang ipahayag ang aking sarili nang lubos at maliwanag.  Samahan mo ako sa simula ng aking pag-aaral, gabayan mo ang pag-unlad nito hanggang sa ito ay matapos ko.
Sa ngalan ni Jesus.  Amen.

Lesson 1: Man Responds to God

Ang mga bata ay:

  • Malalaman ang pananampalataya sa isip at puso
  • Dadasalin ang Sumasampalataya.
  • Maipapahayag ang pananampalataya
KAHALAGAHAN: 

Pagtibayin ang Pananampalataya

SITWASYON NG BUHAY


Ang mga mahahalagang bagay, araw, salita, pangyayari ay madali natin natatandaan.  Ano ang natatandaan mo na mahahalaga at nagpapasaya sa 'yo?

Masaya ka ba? Ano ang dahilan ng iyong kaligayahan?


God Approaches Us Men

Ang mga bata ay:

  • Maunawaan ang tapat na pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Katesismo.
  • Madama ang pag-ibig ng Diyos sa kahalagahan ng pagtugon sa kanyang tawag bilang Bayan ng Diyos.
  • Mapasalamatan ang Diyos sa pagbubuklod Niya sa atin sa pagdarasal at pagsimba at pangaraw-araw na pamumuhay.
Panalangin bago mag-aral:

Ama Namin, Salamat po sa araw na ito . Kami po iyong gabayan sa aming pagaaral ngayon upang lubos pa namin kayong makilala. Nawa’y mapakita namin sa inyo ang aming pagmamahal sa isip, sa salita at sa gawa. Ito’y hinihiling namin sa ngalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.

Sitwasyon ng buhay:   

Pagpapakilala sa sarili, ibabahagi ang araw ng kaarawan, kung ano ang kakayahan at kahinaan, at kung ano ang pangarap sa buhay.



Mahalaga na makilala ang sarili at ang isa’t-isa.  Sa pagpapakilala nalalaman natin kung anong pangalan, kelan ang kaarawan, at kung ano ang ating mga pangarap.  Pag nakilala na natin ang isa’t isa upang maging magkaibigan, maari na tayo makabuo ng magandang relasyon at ituring na ang bawat isa bilang magkakapamilya. 

Ang Diyos ang unang unang nakakakilala sa atin at nagpakilala sa atin,  tinawag tayo ng Diyos bilang kanyang mga anak at siya ay nagpahayag ng Kanyang sarili.