Lesson 2: Profession of our Faith

Ang mga bata ay:
  • Malalaman ang kahalagahan ng pananampalataya
  • Makakapagtala ng nagagawa ng pananampalataya sa atin
  • Makakapagdasal ng Sumasampalataya araw-araw
Panalangin bago mag-aral:

Panalangin bago Mag-aral
Ni Sto. Tomas Aquinas

Panginoon, tunay na pinagmumulan ng liwanag at karunungan, pagkalooban mo ako ng matalas na pang-unawa, ng kakayahang magsaulo ng mga aralin at unawain ang mga ito ng wasto at tama.

Pagkalooban mo ako ng biyayang maging maayos sa aking mga paliwanag at ng kakayahang ipahayag ang aking sarili nang lubos at maliwanag.  Samahan mo ako sa simula ng aking pag-aaral, gabayan mo ang pag-unlad nito hanggang sa ito ay matapos ko.
Sa ngalan ni Jesus.  Amen.


SITWASYON NG BUHAY

Ang ating pananampalataya ay dapat isabuhay. Hindi lang ito nananatili sa libro o bilang isang paksa ng ating pagaaral. Ngayon na kayo ay grade 6, may mga bagay na pede na kayong magpasya at manindigan. Kung ano ang gusto ninyong tuparin o gawin. May malaking pagpapasya at gagawin katulad ng desisyong maging pare o madre o maliliit na  gawain tulad ng ngitian ang taong kinaiinisan o yayain ang mga magulang na magsimba, magdasal ng rosary o isaulo ang Kredo. Ito ay ilan sa mga paraan ng pagsasabuhay ng ating pananampalataya, bagay na kinalulugdan ng Diyos.


Humanda sa sagot na katotohanan tungkol sa iyong pag-asa!

Ang Salita ng Diyos:


Ang Salita ng Diyos:  1 Pedro 3:15-16
1.      Igalang si Kristo mula sa puso at sambahin Siya bilang Panginoon.
2.      Laging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong.
3.      Maging mahinahon at magalang sa pagpapaliwanag.

Katotohanan:


Ang tatlong aspeto ng ating Pananampalatayang Kristiyano: kaalaman, pagkilos at pagdiriwang. (KPK 134)

  • Ano ang maari kong malaman? 
Maaring malaman ang Diyos bilang Ama at Si Kristo bilang Panginoon. Pagkilala sa Ama, Anak at Espiritu Santo.

Pagsasabuhay:

Ang pag-ibig ay di nakikita sa salita o wika lamang ngunit ipinapakita sa pamamagitan ng gawa. (KPK 135)

  • Ano ang dapat gawin? 
Pagkilos sa pagsunod ng kanyang kautusan.



Pagsamba:

Ang pagsampalataya sa Diyos nang buong puso, kaluluwa at pagiisip ay nagbibigay pag-asa sa atin. (KPK 136)

  • Ano ang ating maasahan? 
Ipinagdiriwang ang pag-asa sa pamamagitan ng panalangin at sakramento.



Summary: Q&A

Question:  Gaano kahalaga ang pananampalataya?

Answer:   Kinakailangan ang pananampalataya upang maging totoo tayo sa ating sarili, makamit natin ang ating kaligtasan at ang ating pakikipagugnayan sa Diyos(KPK 166)


Tugon ng Pananampalataya:

Paninindigan:  Gumawa ng poster tungkol sa tatlong aspeto ng ating pananampalataya.
Pagtatalaga:  Itatala sa kung ano ang iyong sinunod sa Sampung Utos sa loob ng isang Linggo.
Pagdiriwang: Isulat sa iyong talaarawan ang iyong panalangin para sa iyong pananamplataya.

Visual Presentation:


No comments:

Post a Comment