God Approaches Us Men

Ang mga bata ay:

  • Maunawaan ang tapat na pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Katesismo.
  • Madama ang pag-ibig ng Diyos sa kahalagahan ng pagtugon sa kanyang tawag bilang Bayan ng Diyos.
  • Mapasalamatan ang Diyos sa pagbubuklod Niya sa atin sa pagdarasal at pagsimba at pangaraw-araw na pamumuhay.
Panalangin bago mag-aral:

Ama Namin, Salamat po sa araw na ito . Kami po iyong gabayan sa aming pagaaral ngayon upang lubos pa namin kayong makilala. Nawa’y mapakita namin sa inyo ang aming pagmamahal sa isip, sa salita at sa gawa. Ito’y hinihiling namin sa ngalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.

Sitwasyon ng buhay:   

Pagpapakilala sa sarili, ibabahagi ang araw ng kaarawan, kung ano ang kakayahan at kahinaan, at kung ano ang pangarap sa buhay.



Mahalaga na makilala ang sarili at ang isa’t-isa.  Sa pagpapakilala nalalaman natin kung anong pangalan, kelan ang kaarawan, at kung ano ang ating mga pangarap.  Pag nakilala na natin ang isa’t isa upang maging magkaibigan, maari na tayo makabuo ng magandang relasyon at ituring na ang bawat isa bilang magkakapamilya. 

Ang Diyos ang unang unang nakakakilala sa atin at nagpakilala sa atin,  tinawag tayo ng Diyos bilang kanyang mga anak at siya ay nagpahayag ng Kanyang sarili.  


Salita ng Diyos:

Ito ang buhay na walang hanggan: ang KILALANIN Ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Kristo na iyong sugo. (Jn. 17:3)



Upang makamit ang buhay na walang hanggan kailangan natin makilala ang Diyos Ama bilang iisa at tunay na Diyos sa pamamagitan ni Jesus na kanyang Anak at sugo.

Ang Tawag ng Diyos

Makikilala natin ang Diyos na Siyang unang nagpahayag sa atin ng Kanyang sarili sa pamamagitan ng:
  •  Paglikha sa atin at sa lahat ng ating nakikita, naririnig at nahahawakan.
  •  Banal na Kasulatan 
  • Simbahan: Panalangin, Sakramento, doktrina, moral na paglilingkod
  • Grasya, budhi, pangaraw-araw na buhay  
(cf. KPK 102)

Ang Ating Tugon

Ang ating pananampalataya ay ang aktibong pagtugon sa tawag ng Diyos na gamit ang buo nating pagkatao:
  • Isipan: Naniniwala at Kaalaman sa Diyos na tumawag sa atin
  • Kalooban at kamay: Gumagawa ng kalooban ng Diyos
  • Puso:  Paghahabilin ng ating sarili sa Diyos sa panalangin at pagsamba
(cf. KPK 165)

Bilang mag-aaral, maari natin isabuhay ang ating pananampalataya sa tahimik na pakikinig sa guro, magparticipate sa discussion and sharing, ibukas ang puso sa matututunan, at ibahagi ang natutunan sa pamilya, kaibigan, at sa ibang tao sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

Tayo ay may pangarap at ang katuparan ng ating pangarap ay ayon sa kalooban ng Diyos.

Panalangin pagkatapos mag-aral:

Ama Namin, Salamat po sa Magandang Balita na aming natutunan. Nawa’y maisabuhay namin ang aming natutunanan sa isip, salita, at gawa, upang makamtan namin ang buhay na walang hanggan. Ito’y hinihiling namin sa ngalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.

Visual Presentation:


References:

Katesismo para sa Pilipinong Katoliko (KPK)
Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version)

No comments:

Post a Comment